Showing posts with label NSFW. Show all posts
Showing posts with label NSFW. Show all posts

Friday, July 24, 2015

Chris, Ang Aswang na Vegetarian.

Salad and soup, yan ang tanghalian ko ngayon at sa maniwala kayo o hindi, nabubusog ako dito. Isa nga akong Vegetarian, pero hindi yung basta basta, lacto-vegan ako. Hindi ako kumakain ng anumang uri ng karne pero umiinom naman ako ng gatas at kumakain ng dairy products tulad ng cheese.  Tatlong taon na akong vegetarian, masaklap ang tingin ng iba sa kalagayan ko kasi hindi ako nakakatikim ng masasarap na protina tulad ng baka o baboy. Pero malaki din ang naitulong nito sa akin upang matangal ang taba sa aking katawan. Kaunting tiyaga pa sa gym at lalabas na ang abs  ko.