Friday, July 24, 2015

Chris, Ang Aswang na Vegetarian.

Salad and soup, yan ang tanghalian ko ngayon at sa maniwala kayo o hindi, nabubusog ako dito. Isa nga akong Vegetarian, pero hindi yung basta basta, lacto-vegan ako. Hindi ako kumakain ng anumang uri ng karne pero umiinom naman ako ng gatas at kumakain ng dairy products tulad ng cheese.  Tatlong taon na akong vegetarian, masaklap ang tingin ng iba sa kalagayan ko kasi hindi ako nakakatikim ng masasarap na protina tulad ng baka o baboy. Pero malaki din ang naitulong nito sa akin upang matangal ang taba sa aking katawan. Kaunting tiyaga pa sa gym at lalabas na ang abs  ko.

Hindi ko naman binigla ang pagpalit ng pagnanais sa magulay na  buhay. Unti unti naman ang transistion hanggang nakasanayan ko na ito matapos ang ilang buwan. At dahil sa mas matipunong kisig ko, mas naging confident ako na lumapit sa mga babae. Dati parang miso ako, ulo lang ang gusto nila, pero ngayon mapagmamalaki ko na pwede na akong ihanay sa mga hunks sa TV at movie. Siguro dahil sa mga pagbabagong ito, mas madali rin akong makapagsagot (at makahulog ng panty) ng babae.

Kaso may kakaibang side effect ang shift nito sa lifestyle ko. Mas naging malibog ako at mas kinky. Madalas kaming makipagsex sa  anumang lugar na madapuan namin, syempre basta hindi mahuli (pero minsan exciting yun). Parang sumanib ata sa akin si Christian Grey na sinasabi ng syota kong si Chelle sa 50 Shades of Grey na libro na tinapos niya yung tatlong libro sa loob ng isang linggo at nakailang ulit pa. Hindi ko kilala yung mga characters dun pero, malamang gwapo at magandang katawan nun tulad ko. Pero wala na akong pakialam dun, basta maligaya kaming magbigay ng aliw sa isa't isa. Ang masaya pa, mahilig din pala siya, game kahit saan, kaya bagay kami.

Mahilig akong magekperimento ng iba't ibang bagay para mapasarap ang seks. Mula sa mga posisyon, mga "props" at estillo ng romansa sinusubukan namin. Minsan nga, nasubukan namin sa fire exit kaso hindi namin alam kung paano natrigger yung alam kaya muntik na kaming mabuko dahil sa kalibugan namin dalawa.

Pero sa totoo lang, kapag wala siya sa mood o nasa malayong lugar, hindi ko talagang mapigilan ang sarili ko. Nagba-bar ako, umiikot kung saan saan para makipagkita sa mga kaibigan o magagandang chicks para makasama hangang mai-kama. Pampatangal init, ika nga. Pero mas mahal ko pa rin syota ko. Peksman.

Siguro dahil din sa kinakain ko, kulang ata ako sa asim, kaya madalas kong gumamit ng dila sa panroromansa. Parang cake at icing lang gusto kong dilaan yung pawising lugar ng katawan. Kadiri man isipin, pero hindi ko na yun naiisip basta maugunan lang yung craving ko. Madalas ko ring dilaan ang aking ngipin, para kapain kung anuman ang kumapit dito. Sabi nga ni Chelle, parang nagbabagong anyo ako kapag nasa kama na ako. Angressive at dominant daw ako lagi, pero gustong gusto niya yun.

Minsan sinusupresa ko siya kapag napadaan siya sa bahay, dahil sa condo madalas nakahubad lang akong pagala gala sa bahay. Sasalubungin ko siya ng hubo't hubad o kaya pagpasok niya ay huhubaran ko siya agad. Pero matapos ng ilang ulit, hindi na siya nagugulat, laos na agad style ko.

Hindi na siguro ako magkakaanak dahil nagpavasectomy na ako pero may semilya akong nakatago sa isang sperm bank. Para iwas disgrasya at kung gusto ko man ng anak may nakatago lang na reserba. Sa totoo lang, ayaw ko talaga na magka-anak.

Dumating si Chelle sa condo sa paboritong suotin niyang naka shorts at shirt. Nakaka-turn on yun sa akin. At tulad ng dati sinupresa ko siya ng malalim na halik sabay paghuhbad sa kanyang suot. Medyo pakipot pa siya sa pagsabi ng "Hon, wag muna..."

Dahil agresibo ako sa unang move, napapaungol na lang siya kahit nagpapapigil. Pero hindi ako magpapadala. Mabilis ko siyang naitulak pahiga sa kama. Mabilis ko agad nahubaran ang kanyang shorts at kaharap ang kanyang panty. Parang cookie monster akong inatake upang sakupin ang bataan niya.

"Hon...ugh... wag...Bahala ka...ooh" 

Yun ang sa tingin ko narinig ko na galing sa kanya bukod sa ungol. Parang tiktik ang dila ko para magtrabaho, para maghanap ng dugo...

DUGO.

Lasa ng dugo, malagkit sa dila, hindi dahil sa basa na siya. Napatigil ako upang hugtin ang dila ko. Oo, dugo nga...

"Tang ina, ano ito?" sabi ko sa sarili ko. Parang ayaw kong makapaniwala. Nanginginig ako, bumubilis yung paghinga ko. 

Dugo.

"Hahaha! kadiri yang mukha mo" sabi ni Chelle, "Yan kasi ang libog mo! Kaninin mo Mens ko!"

Dugo.

Biglang may bumalik sa akin. Mga mabibilis na alaala, puno rin ito ng dugo...mga lamang loob... ang tumitibok na puso. 

Puso.

Bumibilis lalo ang takbo ng pintig ng puso ko, ito ang kinakatakot ko. Hindi ko na ito makontrol, hinahabol ko na rin yung hininga ko. Nalagay ko ang aking kamay sa bibig na puno pa rin ng dugo. Kumapit ito sa kamay ko, at pinagmasdan ko ito ng dahan dahan. 

Patay.

Hindi na ako ulit vegetarian, nadampian na ng dugo ang bunganga at dila ko. Ang alala ni Tatay ang una kong naramdaman ng ako ay nasa kama din, duguan dahil sa sakit at mahinang mahina. Wala na si Nanay at ang mga kapatid ko, kaming dalawa na lang at ako naman ay nasa pintuan na ni Kamatayan.

Naala ko ang huling sulyap kay Tatay na mahinang mahina at hindi marinig yung sinasabi niya. At napapikit na lang ako nun. Lalong inanapoy ng lagnat  at nagsimulang nangisay hanggang mawalan ako ng malay. Nagising na lang ako sa isang malayong bukid hubo't hubad at puno ng dugo ang bibig at kamay. At ang nasa kamay ko ang isang puso, pusong natuyo at kinagatan. 

Mabilis akong nakabangon, wala na akong sakit. Pero wala na rin ang pamilya ko. Malayo na rin ang narating ko at nakaipon na ako ng malaki. Pinilit kong magbago, kaya nga ako nag vegetarian, kaya ko binubuhos sa seks ang agressiveness ko, kaso may dugo.

Isinubo ko ang mga darili ko na may dugo at sinipsip ito. Matagal ko na itong hindi natitikman. Masarap pa rin...pinakamasarap pa rin. Kaso tinalikuran ko na itong matagal na...

Pandidiri at Takot na ang nakikita ko kay Chelle. Umiiyak na siya, gusto niyang sumigaw kaso hindi ito lumalabas sa kanyang bibig. Hindi na libog ang umiiral sa katawan ko, gutom na ako...

(story by FPJ Jr., bawal i-sottocopy, all rights reserved 2012)

No comments:

Post a Comment